15-minute Freestyle with a Twist

Minsan kahit na napakarami kong gustong isulat, walang lumalabas na salita sa isip ko. Writer’s block na ba ito? Eh hindi naman ako writer. Bakit nga ba ganito? Minsan, kung kailan wala akong papel at ballpen at kung kailan malayo ang cellphone ko, tsaka ako maraming naiisip na isulat.
Nakakasuya. Nakakainis. Nakakabwisit. Nakakapanlumo.
Minsan mapipilitan kang mag-post ng mga bagay na walang kalatuy-latuy at sabaw na post kasi yung idea mo, wala na. O kaya naman, kung kailan pwede ka na magsulat, wala ka namang idea. Pareho lang ang ending: WALA PA RIN!
At ngayon, ito! Nauwi sa 15-minute freestyle dahil wala talaga. Yung utak ko, lutang nanaman. Walang iisang thought. Maraming istoryang hindi mapagkabit-kabit.
Sulat ng sulat, pangtanggal muna ng pressure at stress.
Baka sakaling mamaya, okay na ulit.
Baka sakaling mamaya, makapag-sulat na ulit.
Baka sakaling mamaya, umalis na yung babaeng nakatingin sa bintana namin.
Tang ina. Good night!

Comments

Popular Posts