Balisong
Ilang taon na nga ba? Halos labingwalong taon na din pala mula nang una kong mapansin yung weirdo mong mukha. Sa fourth row ako nakaupo noon, sa tabi ng pader. Ikaw naman nasa second or thrid row sa kabilang side ng kwarto. Pareho tayong transferee na first year high school students noon. Ang puti at ang gwapo mo, matangkad ka rin pero masyado kang baby face. As in mukha kang totoy sa katawan ng isang high school student. Sabi nila para kang alien kasi patulis yung mukha mong sobrang payat. Pati buong katawan mo, napakapayat na para bang kayang kaya kang tangayin ng hangin. Napakahinhin mo din maglakad at July 12 nang ayusin ni Maam ang seat plan natin. Yun ang umpisa kung bakit ko naging favorite ang Science. Araw-araw ko ng inaabangan yung subject na yun kasi naman, yun lang yung time na magkakatabi tayo. Oo! Grabe inspiration yun! Pagkatapos ng ilang linggo eh nagkatabi ulit tayo sa ibang subject kaya grabe ang palakpak ng tenga ko nun! Mas pinagbigyan pa ko ni Lord ...